Ibigay Mo Na Please

Wala akong mga advantage/loyalty cards churva dito sa Pinas kase nga sa labas ako ng bansa na base ng medyo matagal. Nung namili kami sa SM way back March this year, tinanong na ako ng cashier kung gusto kong kumuha, pero tumanggi ako. Naka-ilang balik na ako rito at namimili, lagi rin akong tinatanong kung gusto kong kumuha ng SM advantage card. At dahil sa kakulitan nila (in a good way) na convince ang lola mong kumuha, last month lang. Pero naisip ko na sayang rin yung mga nakaraang points na di nasama.

Ngayon bumalik ako para mamili. Dumiretso muna ako sa Customer Service Centre nila para kolektahin ito. Dala ko yung temporary card nila kase yun ang i-present mo. Si Miss sa counter naman hiningi ang ID ko. Masunurin akong bata, binigay ko. Little did I know na pagfill up ko ng card, married name na nilagay ko at ang mga Pilipinas ID ko is maiden name pa. Kaya hinanap nila ang ID ko with my married name at wala ako neto. Shempre di maibigay. I’m sad. 😦 (for a few seconds lang naman hehehe). Buti na lang meron akong ATM card with my married name in it! Binigay ko kay Miss and she told me to sit down and wait for a while.

After about 5 minutes of waiting, she called me again and gave me the card. Happy!

Kaya, off I go. Mamimili na! Meron akong dalawang daang libong piso para pambili ng pencil case ng anak ko. 😀

Aksidente – Di Talaga Maiwasan

Simula 1997 hanggang 2010, nabase ako sa UAE dahil dun ang trabaho ko. Sa awa ng Diyos, naging maayos ang araw-araw na pamumuhay ko doon. Walang gulo, di ako nagkasakit ng seryoso at higit sa lahat, di ako nasangkot sa mga madugong insidente gaya ng aksidente, etc.

Last December 2010, I resigned from the company I am working with. From the UAE, lumipad ako patungo sa Australia to be with my fiance, my then husband. Everyday was a happy day in Perth until I have to fly back to Philippines on March 2011 to sort things out in regards to our visa. Happy rin kase after a long time, this is the time I can be with my two daughters Anya, 7 and Alyssa 16.

May 2011, my mum and I were busy organizing kid’s stuff for school kase pasukan na kaya naman feeling mami-mamihan ang lola mo. Unang dalawang araw ng school nila, half day lang kase school orientation lang naman. Nung unang araw ng pasok, sinundo ko ang bunso kong si Anya around 11:00 am.

On the second day, 14th June 2011 around 10:30 am, nag text sa akin yung panganay kong anak na si Alyssa (nasa 4th year high school) at sinabing na dismiss na raw sina Anya sa class nila. So eto naman si Mami, dali2 naman alis para sunduin si bunso.

Malapit lang naman ang school from bahay namin. Nung pauwi, sumakay na kami ni bunso ng traysikel. Nung malapit na lang talaga kami sa bahay, binangga ng owner type jeep yung trasikel na sinasakyan namin. Sa lakas ng impact ng dalawang sasakyan at dahil ako ang nasa outer side ng traysikel, tumilapon ako palabas, sumalpak ako sa harapan ng jeep saka tinapon sa sementong kalsada dahil sa lakas a biglaang impact.

Samantala, ang anak ko ay nasa loob pa rin ng traysikel na siya naman natumba at yung pagkatumba eh nasa ilalim ang driver’s side. Doon, biglang labas ng anak ko nung pagkatumba.

I was unconscious for the first 3 minutes on the ground. Nagising na lang ako dahil sa init ng sementong kalsada at naramdaman ko na may bumubuhat sa akin. Kaso, masyadong nabugbog ang mga muscles, veins, at buto ko at napakasakit!!!! Biglang sigaw ko na lang na “please, pahigain niyo muna ako”. Kase hindi natin alam kung may mga fractures ako sa buto, and the sudden movement sa katawan ko eh lalong mababali kung ano man yung baling buto ko, davah?!
Anyhoo, yun nga, pinahiga nila ulit ako sa kalsada ng sandali and I was trying to figure out what really happened. I tried to get up by myself, and when I made it to seated position, I heard my daughter shouting and crying ’til the top of her lungs saying “mommy!!!! mommy!!!! mommy!!!! I’m gonna tell Dad about what they did to you! mommy! how are you feeling??! mommyyyyyyy!!! mommy come here!!!” A woman was hugging her, trying to stop her from running to me in the middle of the road, and I can see that she really wanted to come to rescue me.

I looked down, as I can feel something very wet on my neck and in my face. Lots of blood running down from my face… And then again, I can hear Anya screaming and shouting “mommyyyyyyy!!! my mommyyyy!!” Little did she know I am thanking God that I can see her standing, moving all her body parts, no blood in her, and then I said to myself “thank you Lord, she is not hurt!”.

Dito na nila ako binuhat at tinakbo sa ospital with Anya. In our city, we don’t have the hospital that can accommodate such injuries kaya first aid muna ako saka tinakbo sa pinakamalapit na ospital, at take note, 45 minutes drive. I was in real pain. I can’t move my head, I can’t move my body, my right arm and I can’t move my right leg. Hindi ko maimulat ang kaliwang mata ko, ang laki ng black eye. Kala ko nga mabubulag na ako. Ang mukha ko, namamaga.

Meron akong lacerations. Isa sa may right eyebrows (4 stitches), isa naman sa noo ko at dahil sa haba nito, umabot na sa skull ko (6 stitches). My daughter was totally fine albeit she still had to undergo whole body scanning, etc.

Limang din kami sa ospital. Anya was an outpatient but she stayed with me the whole time. Masmaigi para ma monitor na rin siya ng doktor naming napakagaling and I thank him too for taking good care of us.

I am sooooo very thankful sa mga taong sumaklolo. Thank you Lord talaga at maraming good samaritans! Lahat sila sa paligid eh mabilis umaksyon pati na rin ang mamang driver ng jeep! Saka sa taong pumunta ng bahay namin para iinform ang pamilya ko sa nangyari, maraming salamat at nakasunod agad sila sa ospital!

Hindi ko na i-share ang mga kodaks ko nung nasa ospital ako kase ang panget ng mga sugat ko baka masuka pa kayo.

This is a photo nung umuwi na ako ng bahay para magrecover. I clean my wounds as instructed by the doctor. My right eye here is still sore:

Eto naman nung tinanggal na ang tahi. After 13 days:

And this is the present pic, after 2 months since aksidente. Meron ding niresetang ointment para sa healing ng scar ko:

Kapag pinatungan ko na ng concealer or foundation ang scar ko sa may eyebrows, di naman masyadong halata sa picture. Sa personal lang. And this is what I am hoping for. Ipagpatuloy ko lang ang ointment:

I know this is so TMI. But, I’d like to share this. Pasintabi lang po.

Salamat sa WordPress via Selpon

Brown out dito ngayon sa isla namin. Hindi ako makapag internet gamit ang laptop. Kaya eto sa telepono na lang ako magpost. Pero dahil hindi ko alam na magba-brown out, hindi rin na charge ang selpon ko kaya konti na lang baterya at sana maglast siya hanggang magka-kuryente ulit!

Sarap ng tulog ko kaninang umaga, kase pinuyat ako ni kumpareng ulan kagabi na buong magdamag bumisita sa earth. Kaya naman ganito ang panahon dahil may bagyo sa Northen Luzon for 2 weeks straight! Sana po Lord, wag mong pabayaan mga kababayan natin doon. Thanks.

Hmmm.. Dahil walang magawa at brown out, at dahil umulan kagabi at basa ang lupa sa likod ng bahay, nagbungkal ng lupa ang anak kong si Anya at ang pamangkin kong si Unie at nagtanim ng mga gulay hehehe…
Sana mabuhay at tumubo para sumaya naman ang mga batang itech.

Good day ol! Be safe and God bless!

[Posted via WordPress for Blackberry]

By everydayannie Posted in People

That’s What Women Are For

Couple of weeks ago, hubby and I were talking about what the new house concept will be (in the future, hopefully). For him to easily understand what my mind is thinking in regards to the design, colour of furnishings etc, I sent him a photo. Just an idea of what I’m thinking about at least as it is hard to explain especially at that moment when we were just chatting over ym. So here’s a preview of my idea:

me (13/08/2011 11:26:45 PM): you see the concept, colour blending of  everything?
me (13/08/2011 11:27:07 PM): our new brown couch will do
me (13/08/2011 11:27:24 PM): and u see the beauty of the curtains compared to blinds?
hubby (13/08/2011 11:27:37 PM): i don’t see concepts, i see equipment
hubby (13/08/2011 11:28:01 PM): too many windows… bad reflection on tv
me (13/08/2011 11:28:04 PM): look at the combination of colours, hunny
hubby (13/08/2011 11:28:18 PM): well, thats what women are for
hubby (13/08/2011 11:28:31 PM): men are to see how the tv will fit and the kitchen is too small. i like a bigger one..

TOINKS! Ok end of discussion.

If I like that lounge design, I need to look for a right place for the his tv. (very easy – that’s what women are for!)