Happy Birthday Mama Mary

“Let us then cast ourselves at the feet of this good Mother, and embracing them let us not depart until she blesses us, and accepts us for her children.”

By everydayannie Posted in Family

Pilipinas HM Students – All The Best!

Ang hirap maghanap ng trabaho dito sa Pinas! Maging labandera na ipaaplayan ko, ang dami na rin… survival itech!

Kanina nagba-browse ako sa mga online jobs at binisita ko ulit ang catererglobal.com kase hospitality industry and linya ko. Since dito na ako sa Pinas for good, shempre, I narrowed my search within the Philippines lang. At eto ang naging resulta. Tadaaaaannnn!

Ilang libong Pilipino ang nasa hospitality industry at eto lang ang available job, isa?! Ok in fairness, within the “catererglobal” online ads lang ito. Siguro naman in real life, marami ring opening sa mga hospitality industry dito sa Pilipinas.

Search nga natin dun sa pinaggalingan kong bansa, sa UAE:

Kaya pala nagsiliparan ang mga kababayan natin doon. Pati ako, kaso, I need to go back here sa Pinas for good. Natutuwa ako sa mga kababayan natin doon kase everywhere you go, maraming Pinoys na nageexcel sa kani-kanilang work. Kaya I’m praying for everyone na sana gabayan kayo ni Lord everyday.

Tayo naman na nasa Pinas, sangdamakmak na good luck to all na sana, may lugar tayong mga “seeking” sa hospitality industry. For all I know, libo-libong HRM/HM students ngayon ang nagte-take ng course na ito. Pero ang tanong, may naghihintay ba na trabaho pagkatapos nila sa kolehiyo?

By everydayannie Posted in People
Larawan

‘Ber Months Na!

Pagkapatak ng buwan ng September, sa unang araw pa lang nag-iisip na ako kung ikakabit ko na ang mga Christmas decorations sa bahay at ilalabas ko na ang Christmas tree ko na pinakakatago sa ilalim ng baul. Tiyak ko na pinamamahayan na ng mga spiders ang mga decors na nakatago sa baul, takot pa naman ako sa spiders!

Ang saya kase, sa matagaaaaaal na panahon at maraaaaaaming taon na ang nakalipas eh magagawa ko na ulit ang magkabit ng mga lanterns, decors, at makapag-assemble ng Christmas tree namin dito sa Pilipinas. Ito kaya ang masaya at exciting lalo na pagmagkakasama kayong buong pamilya. Kapag ngayon ba ako mamimili ng mga Christmas decors masmura ba kesa sa sa next month?

Hmmm.. red and gold kaya?

Pups’ Sleeping Positions

Just found these photos of our pups today. Brenna (the brown pup) seems to just love sleeping really.