Arthur Update – Doggie Door Installed

Iniwan ko si Arthur sa land down under 2 weeks ago at 3 months old pa lang siya. Ang hirap sa loob pero need tiis-tiis muna for a few weeks.
Sino ba naman ang hindi ma inlab sa mukhang to. lol. Paawa and sad effect pa!

Mahirap daw pala kung mag-isa ka lang sa bahay at may puppy pa na aalagaan especially kung may full time work ka. Kelangan iwanan ni hubby si Arthur sa backyard kapag papasok na siya sa work. In fairness kay Arthur, merong malaking shed sa backyard na naging bahay na niya kung araw. We puppy proofed it, opened the door and placed his outdoor bed and cushion doon. Para kung napagod na siyang maglaro, he can always be comfy there. Kaso nga lang naawa ako sa kay Arthur kasi normally, sabay kaming matulog pero now nag-iisa na lang siya. Well, kasama si hubby sa gabi pero pag sa daytime, kanya-kanyang diskarte sila ni hubby.

Kapag nasa bahay si hubby, minsan nakakalimutan niyang buksan ang backdoor sa mga oras na kelangan nang mag toilet ni Arthur. Kaya minsan sa loob nagpupu-poo yung anak niya. Pero kung bukas yung pinto sa likod, lalabas yun at magpoo-poo. Kaya naisipan ni hubby na mag-install ng doggie door that leads to our backyard cum dog mini playground. Sa gayon, may access na si Arthur.

Sa ngayon, skype skype muna kami ng alaga ko. Mommy’s missing you!

Pero ngayong may access na sa labas, kahit naka ON ang sprinklers sa hapon para diligan ang mga damo, eto siya at nagtatakbo sa labas! iiihhhh! Ang dungis! Pero alam niya na naging naughty siya oh. Ang puppy eyes! “oh forgive me daddy” daw!

Advertisements