Pink Room – DONE

Yay! Tapos na ang pink room!

From this Pink Room

To this:

Mano-mano po, 3 weeks from prepping, cleaning the walls, painting, feature wall, windows, blinds, assembling the furnitures (daybed, workstation, chest drawers, pink swivel chair, roller blinds, curtain railing and braces). I’m so proud of myself!!! Can’t wait for the occupant to come soon 🙂

Do what you can, with what you have, where you are. ~Theodore Roosevelt

DIY – Leftover Lipbalms

Isa sa mga pinakapaborito kong lipbalm ay ang “Labello” cherry flavor na hindi ko pa nakikitang available dito sa bundok namin. Ang mga ito ay nabibili ko lang sa UAE nung andun ako nagtatrabaho nang maraming taon hanggang sa mag for good na ako dito last December 2010. Last year nagpabili ako nito sa friend ko na umuwi dito sa Pinas para magbakasyon. And she was so kind to bring me 8 of these! Kaya since last year, nagamit ko ay 4 piece na (di naman kase ako madalas lumalabas ng bahay). Ang mga pudpod na, tinatago ko lang hanggang sa maging 4 na sila. Kesa naman itapon ko sayang peron pa naman konti na masisimot.

s

Ginamit ko rin ang nangalahati ko nang Body Shop cherry lipbalm na uber sa bango.

1. Gamit ng malinis na ice cream scoop pinaghalo-halo ko left-over Labello and Body Shop lip balms ko:

2. Then gamit ang kandila, tinunay ko na sila para maghalo ng husto.

3. Kapag natunay na ang mixture, ibuhos na sa lalagyan. (Ginamit ko pa arin ang container ng lip balm)

4. Ilagay sa fridge ng mga 30-45 minutes.

Warning: Wag gayahin ng mga bata!