Arthur Update – Doggie Door Installed

Iniwan ko si Arthur sa land down under 2 weeks ago at 3 months old pa lang siya. Ang hirap sa loob pero need tiis-tiis muna for a few weeks.
Sino ba naman ang hindi ma inlab sa mukhang to. lol. Paawa and sad effect pa!

Mahirap daw pala kung mag-isa ka lang sa bahay at may puppy pa na aalagaan especially kung may full time work ka. Kelangan iwanan ni hubby si Arthur sa backyard kapag papasok na siya sa work. In fairness kay Arthur, merong malaking shed sa backyard na naging bahay na niya kung araw. We puppy proofed it, opened the door and placed his outdoor bed and cushion doon. Para kung napagod na siyang maglaro, he can always be comfy there. Kaso nga lang naawa ako sa kay Arthur kasi normally, sabay kaming matulog pero now nag-iisa na lang siya. Well, kasama si hubby sa gabi pero pag sa daytime, kanya-kanyang diskarte sila ni hubby.

Kapag nasa bahay si hubby, minsan nakakalimutan niyang buksan ang backdoor sa mga oras na kelangan nang mag toilet ni Arthur. Kaya minsan sa loob nagpupu-poo yung anak niya. Pero kung bukas yung pinto sa likod, lalabas yun at magpoo-poo. Kaya naisipan ni hubby na mag-install ng doggie door that leads to our backyard cum dog mini playground. Sa gayon, may access na si Arthur.

Sa ngayon, skype skype muna kami ng alaga ko. Mommy’s missing you!

Pero ngayong may access na sa labas, kahit naka ON ang sprinklers sa hapon para diligan ang mga damo, eto siya at nagtatakbo sa labas! iiihhhh! Ang dungis! Pero alam niya na naging naughty siya oh. Ang puppy eyes! “oh forgive me daddy” daw!

Advertisements

Pink Room – DONE

Yay! Tapos na ang pink room!

From this Pink Room

To this:

Mano-mano po, 3 weeks from prepping, cleaning the walls, painting, feature wall, windows, blinds, assembling the furnitures (daybed, workstation, chest drawers, pink swivel chair, roller blinds, curtain railing and braces). I’m so proud of myself!!! Can’t wait for the occupant to come soon 🙂

Do what you can, with what you have, where you are. ~Theodore Roosevelt

Pink Room

Alam na alam ng anakis ko kung ano gusto niya sa kwarto niya. Kaya abala ngayon ako sa kakapintura at kaka-ayos nito kahit nakakapagod pero sige lang tiis-tiis!

Eto ngayon at itsura ng aking pinagkakaabalahan:

Eto yung dati. Pinapalitan ko ng kulay. Shempre ang feature wall eh kulay pink pagnatapos yan.

Eto na ako ngayon, akyat-baba sa hagdanan na yan maabot lang ang kisame.

Abangan sa susunod na mga linggo… 😉

Olive Oil and Vinegar Set

Got this from Woolies for just AUD$2.00 each. Love the plain bottle ‘coz I am planning to paint it with whatever comes in my mind. Starting to collect some pieces to make the kitchen beautiful. Iba talaga ang house ng may nakatira na babae kesa sa house na tinirhan ng lalaki lang (my hubby) for a long time. Walang ka ek-ekan around the house. So ngayon pag may binibili ako lagi pinapaalala na tirhan ko raw siya ng isang section sa bahay na at least panglalaki ang itsura haha!

Dapat 2 pieces lang ito sa isang set, for our extra virgin olive oil and balsamic vinegar. But since mahilig ako sa soy sauce, dinagdagan ko na ng isa para sa aking “toyo”. 🙂

Live well, laugh often, LOVE much..

Kuskos Piga

Nasira yung washing machine namin last week. Buti na lang nakapaglaba na ako kaya ang mga labahin na lang sa mga sumunod na araw ang kelangan gawing kuskusin. Pano na lang ang mangyayari sa sensitive kong kamay?! Chos!

Ang kawawang washing machine na isang taon pa lang eh naisipang mamahinga ng saglit. Buti na lang under warranty pa siya. Actually, running 2 weeks na itong naghihintay na bisitahin ng kanyang doktor. Tumawag ako kaninang umaga para i-check kung kelan talaga siya magagamot. Well, ang sabi last week eh may spare part daw siyang kelangan palitan (kasi no power ang drama niya). Last week na-order na ng service company ang spare part and they told me last week na it will take 4-5 days to arrive. Waited, and today they told me that it will take until end of this month. REALLY?!
Anyhow sabi ko, eh pano na lang kami mabubuhay ng isang buwan na walang washing machine. Ang problema kasi hindi ako handa para sa handwash. Wala akong gamit, wala akong sampayan, wala akong motivation! Chos lang.
So, sabi ng kausap ko, papadala siya ng tao dito on Friday para i-confirm kung yung talagang totoo na yun ang hinihintay and kelangan para mabuhay ito ulit. Otherwise, papalitan nila ulit ng “brand new” washing machine. Good news ito pero meron pa rin akong 4 days na labahin na matetengga. Wait ko ba ang new washing machine then sabay lahat ng labahin, or sundin ko na lang ng laba araw-araw ang mga maruming damit?! Hays…

Wala akong mga gamit panglaba na gamit ang kamay kaya eto na lang ang naisipan kong pinakamagandang gawin ;)) So eto ngayon ang drama ko sa kitchen sink.

Gamit ang extrang chopping board ko na hindi pa nagagamit, at ang pang kuskos ko sa murang katawan ko. tsk…

Laba na! GO!