Washing Machine

Another household buddy!!!

Finally the day I’ve been dreading! After 40 years! Joke! 3 weeks naman pero ang tagal ng 3 weeks ha! Ang hirap kaya maglaba araw-araw! Dumating na ang kapalit na bagong washing machine dahil nasira ang mainboard ng 1 year old washing machine namin.

Ayun sa mga reviews na nabasa ko online, defective talaga ang mainboard board niya pero ewan ko ba sa asawa ko hindi nagresearch bago niya bilhin last year lols. And I’m happy kasi kahit they gave us the better model so hoping it would be ok. And of course I am happy na makapagpahinga na ang aking mga kamay sa kakakuskos 😦

my new buddy after 40 years na nagkukuskos sa kitchen sink! 😀

Sipag-sipagan

Feeling ko ang sipag-sipag ko ngayong mga nakalipas na linggo. Meron kasi akong kinagigiliwan na partner sa paglinis. Tawag sa kanya “steam clean mop”. Saksak mo lang at meron ka nang katuwang sa paglinis ng sahig hihi! Di na kelangan ng traditional na mop, bleach, sabon, etc. Dati nakakatamad magprepare ng gamit mo panglinis, ngayon eh parang ako na ang nagkukusang loob lol.

Eto yung bespren ko ngayon sa bahay:

“Optim Steam Clean Mop”

Pwede sa timber floors and tiles but not much sa carpet. Ginagamit ko pa rin siya sa carpet/rug kasi pwedeng patayin ng steam ang kung anu-anong nakatira na di dapat nakatira sa carpet. So, handy pa rin.

Ginagamit ko sya sa tiles, sa kusina at sa banyo, at sa may pintuan ng bahay.

Oh hala, linis mode na ulit ako 😀

Years wrinkle the face, but to give up enthusiasm wrinkles the soul. ~Watterson Lowe

Pink Room

Alam na alam ng anakis ko kung ano gusto niya sa kwarto niya. Kaya abala ngayon ako sa kakapintura at kaka-ayos nito kahit nakakapagod pero sige lang tiis-tiis!

Eto ngayon at itsura ng aking pinagkakaabalahan:

Eto yung dati. Pinapalitan ko ng kulay. Shempre ang feature wall eh kulay pink pagnatapos yan.

Eto na ako ngayon, akyat-baba sa hagdanan na yan maabot lang ang kisame.

Abangan sa susunod na mga linggo… 😉

Olive Oil and Vinegar Set

Got this from Woolies for just AUD$2.00 each. Love the plain bottle ‘coz I am planning to paint it with whatever comes in my mind. Starting to collect some pieces to make the kitchen beautiful. Iba talaga ang house ng may nakatira na babae kesa sa house na tinirhan ng lalaki lang (my hubby) for a long time. Walang ka ek-ekan around the house. So ngayon pag may binibili ako lagi pinapaalala na tirhan ko raw siya ng isang section sa bahay na at least panglalaki ang itsura haha!

Dapat 2 pieces lang ito sa isang set, for our extra virgin olive oil and balsamic vinegar. But since mahilig ako sa soy sauce, dinagdagan ko na ng isa para sa aking “toyo”. 🙂

Live well, laugh often, LOVE much..