Arthur Update – Doggie Door Installed

Iniwan ko si Arthur sa land down under 2 weeks ago at 3 months old pa lang siya. Ang hirap sa loob pero need tiis-tiis muna for a few weeks.
Sino ba naman ang hindi ma inlab sa mukhang to. lol. Paawa and sad effect pa!

Mahirap daw pala kung mag-isa ka lang sa bahay at may puppy pa na aalagaan especially kung may full time work ka. Kelangan iwanan ni hubby si Arthur sa backyard kapag papasok na siya sa work. In fairness kay Arthur, merong malaking shed sa backyard na naging bahay na niya kung araw. We puppy proofed it, opened the door and placed his outdoor bed and cushion doon. Para kung napagod na siyang maglaro, he can always be comfy there. Kaso nga lang naawa ako sa kay Arthur kasi normally, sabay kaming matulog pero now nag-iisa na lang siya. Well, kasama si hubby sa gabi pero pag sa daytime, kanya-kanyang diskarte sila ni hubby.

Kapag nasa bahay si hubby, minsan nakakalimutan niyang buksan ang backdoor sa mga oras na kelangan nang mag toilet ni Arthur. Kaya minsan sa loob nagpupu-poo yung anak niya. Pero kung bukas yung pinto sa likod, lalabas yun at magpoo-poo. Kaya naisipan ni hubby na mag-install ng doggie door that leads to our backyard cum dog mini playground. Sa gayon, may access na si Arthur.

Sa ngayon, skype skype muna kami ng alaga ko. Mommy’s missing you!

Pero ngayong may access na sa labas, kahit naka ON ang sprinklers sa hapon para diligan ang mga damo, eto siya at nagtatakbo sa labas! iiihhhh! Ang dungis! Pero alam niya na naging naughty siya oh. Ang puppy eyes! “oh forgive me daddy” daw!

Advertisements

Visiting Arthur – My Baby Sheltie

Nagkita na naman kanina ang mag-ina! Hihihi!

Binisita namin kanina si Arthur at dinalhan ng mga toys para at least may maiwan na amoy yung litter mate niya pag-inuwi na namin siya sa bahay kasama yung mga toys niya. Sa gayon, di na siya masyadong ma-shock pag mag-isa na lang siya.

Malapit na baby! Malapit na rin mangatngat yung mga gamit sa bahay!

Pink Room

Alam na alam ng anakis ko kung ano gusto niya sa kwarto niya. Kaya abala ngayon ako sa kakapintura at kaka-ayos nito kahit nakakapagod pero sige lang tiis-tiis!

Eto ngayon at itsura ng aking pinagkakaabalahan:

Eto yung dati. Pinapalitan ko ng kulay. Shempre ang feature wall eh kulay pink pagnatapos yan.

Eto na ako ngayon, akyat-baba sa hagdanan na yan maabot lang ang kisame.

Abangan sa susunod na mga linggo… 😉

Olive Oil and Vinegar Set

Got this from Woolies for just AUD$2.00 each. Love the plain bottle ‘coz I am planning to paint it with whatever comes in my mind. Starting to collect some pieces to make the kitchen beautiful. Iba talaga ang house ng may nakatira na babae kesa sa house na tinirhan ng lalaki lang (my hubby) for a long time. Walang ka ek-ekan around the house. So ngayon pag may binibili ako lagi pinapaalala na tirhan ko raw siya ng isang section sa bahay na at least panglalaki ang itsura haha!

Dapat 2 pieces lang ito sa isang set, for our extra virgin olive oil and balsamic vinegar. But since mahilig ako sa soy sauce, dinagdagan ko na ng isa para sa aking “toyo”. 🙂

Live well, laugh often, LOVE much..